PIPIGILAN ng Philippine National Police (PNP) ang pagpapa-deport sa umano’y espiya ng China na si Yuhang Liu na naaresto sa Makati noong Mayo.
Sinabi ni PNP Spokesperson Col. Jean Fajardo na nahaharap sa mga kaso tulad ng illegal interception at misuse of devices ang Chinese national na lumabag sa Cybercrime Prevention Act of 2012.
Nangako naman ang Bureau of Immigration (BI) na hindi muna ipapatapon pabalik ng China ang suspek habang patuloy ang imbestigasyon sa mga posibleng kasabwat nito.
Una nang inihayag ng PNP na security concern ang mga nadiskubreng files sa suspek dahil sa pagkakasangkot nito sa malawakang scam na pinatunayan ng datos, photos at videos na nakuha mula sa mga sinuri na kagamitan gaya ng smartphones, laptop, computer at iba pa.
Nakatakdang humirit ng cyber warrant sa korte ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) para busisiin pa ang mga nakuhang ebidensya na gagamitin sa pagsasampa ng kaso laban sa dayuhan.
EUNICE CELARIO