BISTADO ang modus ng isang Chinese national na nakatakda na ring ipa-deport nang maaresto sa Ninoy International Airport Terminal 3 dahil sa paggamit ng pekeng Philippine passport at magpanggap na Filipino.
Sa report kay Immigration Commissioner Jaime Morente, ni BI OIC Deputy Commissioner and Port Operations Division Chief Marc Red Mariñas kinilala ang pasaherong si Kang Jialiang, 30, Chinese National.
Dumating sa bansa si Kang mula Hongkong at nagprisinta ng Philippine passport na natuklasang kahina-hinala.
Ayon kay Mariñas, hindi umano makapagsalita ng English o Filipino o kahit na anong dialect ng Filipinas hanggang sa ilabas nito ang tunay niyang pasaporte na nasa loob ng kanyang bag.
Pinalabas ni Kang sa kanyang Philippine passport na isang Chua Hong Waa kung saan ang biopage ay hindi mabasa sa passport scanner.
Liban sa nakatakdang ipa-deport ang dayuhan, inaalam na rin kung ano ang tunay na pakay nito sa pagtungo dito sa Filipinas at paggamit nito ng pekeng Phil. Passport. PAUL ROLDAN
Comments are closed.