NAGSUMITE ang gobyerno ng Filipinas ng diplomatic protest dahil sa daan-daang Chinese vessel na umaaligid sa Pag-asa Island sa West Philippine Sea.
Inianunsiyo ni Foreign Affairs Secretary Teodoro “Teddy” Locsin Jr. ang pagsasampa ng diplomatic protest sa kaniyang Twitter account.
Ayon sa kalihim, ikinasa ang nasabing hakbang matapos ang rekomendsyon ni National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. matapos mamataan ang 113 Chinese vessels nitong Hulyo 24 sa Pag-asa Island.
Samantala, iginiit naman ni National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. na walang nawalang isla sa Filipinas sa ilalim ng Duterte administration.
Sagot ito ni Esperon sa pahayag ni Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio na ibinigay na umano ng Filipinas ang Sandy Cay sa China.
Nananatili umanong ‘uninhabited’ ang Sandy Cay na isa sa mga sandbar malapit sa Pag-asa Island.
Una nang sinabi r ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na walang katotohanan na may nag-okupa na sa nasabing isla.
Comments are closed.