KINOMPRONTA ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang Chinese envoy sa Filipinas kaugnay sa napaulat na ilang ulit na pagpasok ng Chinese warship sa teritoryo ng Filipinas kabilang dito ang kanilang aircraft carrier na CV-16 Liaoning.
Una rito binulgar ni Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio, na ilang beses na pumasok sa territorial water ng Filipinas ang Chinese warship kabilang ang aircraft carrier na Liaoning.
“I got information and I verified it that the Chinese aircraft carrier, their sole operating aircraft carrier, has passed through the Sibutu Passage, which is within our archipelagic waters, within our territorial waters,” pahayag ni Carpio sa isang forum sa Uni-versity of the Philippines Diliman noong Hulyo 19, 2019
Sa isang pulong balitaan, kinumpirma ni Sec. Lorenzana na tinanong niya si Chinese Ambassador Zhao Jianhua bago ang State of the Nation Address ni Pangulong Duterte hinggil sa umano’y pagdaan ng mga barko ng China sa loob ng territorial waters ng Filipinas na hindi nagpapasintabi.
“I asked him very frankly if indeed the Liaoning passed through Sibutu and he said no,” ani Lorenzana
Subalit aminado umano ang Chinese envoy na may nakarating sa kanyang kaalaman na may ilang barko na nagdaan. “He said that in the future they will require those ships to inform the embassy, the Chinese embassy here in Manila about intended passage in Sibutu and they will inform us,” dagdag pa ng kalihim
Sinasabing maliit na Chinese warships ito mula sa Peoples Liberation Army Navy.
Nilinaw ng kalihim na hindi hinahayaan ng Filipinas na basta-basta na lamang pumapasok o dumadaan ang mga barkong pan-digma at kailangang magpaalam lamang ang mga ito. VERLIN RUIZ
Comments are closed.