CHINESE WORKERS IDINEPENSA SA P4.37-B IRRIGATION PROJECT

NIA-4

NAGBIGAY ng paglilinaw ang National Irrigation Adminsitration (NIA) kaugnay sa mga Chinese worker sa P4.37-billion Chico River Pump Irrigation Project sa Pinukpuk, Kalinga.

Ayon sa NIA, ang 66 Chinese workers ay kinuha mismo ng Chinese contractor dahil sila ay  highly-technical at highly-skilled na kaila­ngang-kailangan sa konstruksiyon ng tunnel at  pumping stations.

Subalit sa oras na makumpleto ang proyekto bago matapos ang taon ay aalisin umano ang karamihan sa kanila.

Nabatid na sa kasalukuyan ay may 347 Pinoy workers sa Chico River PIP na karamihan ay kinuha sa lalawigan .

“The Chinese workers are part of the project’s manpower that specializes in tunneling and construction of the pumping station with their state-of-the-art equipment and technology,” paliwang pa ng NIA sa inilabas nilang stataement kahapon.

Aminado ang pamunuan ng NIA na maaaring kaya rin ng mga Filipino workers ang ginagawa ng mga Chinese worker subalit higit umanong mapa-bibilis  ang trabaho kung magtutulungan sila.

Ginawa ng NIA ang paglilinaw makaraang maglabas ng video footages ang Cordillera People’s Alliance na nagpapakita sa mga Chinese sa project site.

Ang Chico River PIP ay magbibigay ng patubig sa mga  elevated rice field sa pamamagitan ng ginagawang  pumping station, at hindi sa pamamagi-tan ng diversion dam o water  reservoir, na salungat sa sinasabi ng mga mga tumtutol sa proyekto na maaaring magdulot ito ng peligro sa mga residente.

“The water from the river will flow through a tunnel system until it reaches the main canals at the elevated rice-fields,” ayon sa NIA na tumitiyak na walang oposisyon mula sa mga apektadong komunidad ng Chico River PIP.

Suportado rin umano ng mga displaced family ang nasabing proyekto at binayaran din sila nang tama .

Nabatid na aabot sa 4,350 farmer-beneficiaries at kanilang mga pamilya ang mabibiyaan ng proyekto.

Sinasabing aabot sa 14,784 katao ang magkakaroon ng trabaho sa panahong isinasagawa ang proyekto at nasa 8,700 permanent jobs naman ang magiging available sa oras na maging operational na ang proyekto.   VERLIN RUIZ

Comments are closed.