CHIZ, ALAN NANGUNA SA SENATORIAL SURVEY

PATULOY na namayagpag sa senatorial survey si dating Speaker Alan Peter Cayetano na pumangalawa sa pinakabagong survey  na isinagawa ng Publicus Asia mula Abril 19 hanggang 21.

Napanatili ni Cayetano ang mataas na rating sa senatorial survey sa gitna ng  kanyang eco-friendly campaign kung saan nagdesisyon itong hindi gumamit ng anumang poster sa kampanya para matulungan ang kalikasan.

Nakakuha si Cayetano ng 42.6 porsiyento na suporta sa 1,500 respondents habang nasa unahan si Sorsogon Gov. Francis ‘Chiz’ Escudero na may 46.8 porsiyento.

May 40.5 porsiyento naman ang pumangatlong si reelectionist Sen. Sherwin ‘Win’ Gatchalian.

Matatandaang pina­ngunahan ni Cayetano ang pagkakaloob ng P10,000 ayuda sa bawat pamilyang Pilipino upang matulungan sa krisis na dulot ng CO­VID-19 pandemic.

Naniniwala si Caye­tano na may sapat na pondo ang pamahalaan na pagkalooban ng P10K ayuda ang kada pamilyang Pilipino upang mabigyan ng magandang tulong ang mga ito.

Sumusunod kay Gat­chalian sina Antique Rep. Loren Legarda (39.1 percent), broadcaster Raffy Tulfo (38.5 percent), da­ting Public Works and Highways Sec. Mark Villar (33.1 percent), Sen. Ana Theresia ‘Risa’ Hontiveros (31.9 percent) at actor Robin Padilla (31.5 percent).

Mula sa unang puwesto, napunta sa ika-apat si Legarda nang mabawasan ng 4.2 porsiyento.

Umangat naman si Padilla ng 5.8 porsiyento mula sa huling survey noong kaagahan ng Abril at lumagpas  na sa 30 porsiyentong marka.

Sumunod naman kay Padilla sina reelectionist Senate Majority Leader Migz Zubiri, dating Que­zon City Mayor Bistek Bautista, Atty. Jose Manuel ‘Chel’  Diokno, reelectio­nist Sen. Joel Villanueva, dating Sen. Joseph Victor ‘JV’ Ejercito, Atty. Larry Gadon, dating Defense Sec. Gilbert ‘Gibo’ Teodoro Jr., reelectionist Sen. Richard ‘Dick’ Gordon, dating Palace spokesman Harry Roque Jr., dating vice president Jejomar ‘Jojo’ Binay, dating Sen. Joseph ‘Jinggoy’ Estrada, dating Philippine National Police chief Guillermo Lorenzo Eleazar, at dating  Information and Communications Technology Sec. Gregorio ‘Gringo’ Honasan.

“The movements du­ring this survey round appear to be making competition more fierce in the Competitive Zone with an average preference of 24.9 percent. There are now 13 candidates — from the 9th to 21st places — who appear to be within striking distance of the final four Senate seats,” anang Publicus Asia.