CHOCO MUCHO, BALIPURE UMARYA SA PVL

choco mucho

HINDI pinaporma ng Choco Mucho ang Perlas Pilipinas sa dominanteng 25-23, 25-20, 25-20 panalo sa Premier Volleyball League (PVL) Open Conference nitong Linggo sa PCV Socio-Civic Cultural Center sa Bacarra, Ilocos Norte.

Hindi naging maaliwalas ang debut ng Perlas na naudlot ang paglalaro nang mapilitan ang organizers na isailalim sila sa quarantine bunsod ng ‘safety and health protocol’ nang mabigong makapanalo ng set laban sa nangungunang Choco Mucho (3-0).

Maagang nakontrol ng Choco Mucho ang tempo at umabante sa 17-10 sa first set matapos ang magkakasunod na paltos sa service ng Perlas . Nagawang makadikit ng Perlas sa 18-19, ngunit hindi bumigay ang Choco mula kay Kim Gequillana at sa kill ni Cherry Nunag.

Sa ikalawang laro, naitala ng BaliPure ang come-from-behind win laban sa Cignal HD, 21-25, 25-20, 25-22, 25-22, para mapantayan ang Petro Gazz at Chery Tiggo sa ikatlong puwesto tangan ang magkakatulad na 2-1 karta. EDWIN ROLLON

6 thoughts on “CHOCO MUCHO, BALIPURE UMARYA SA PVL”

  1. 461397 663147Hey! I merely wish to give an enormous thumbs up for the very good data youve got here on this post. I will likely be coming back to your weblog for far more soon. 567768

  2. 526351 359645An fascinating discussion may be valued at comment. I do believe which you merely write read more about this topic, it may not often be a taboo subject but normally persons are too couple of to dicuss on such topics. To a higher. Cheers 931597

Leave a Reply

Your email address will not be published.