PANGUNGUNAHAN ni Gel Cayuna ang Cignal sa kanilang laro kontra F2 Logistics sa PVL 2nd All-Filipino Conference ngayong Martes. PVL PHOTO
Standings W L
Creamline 7 0
Choco Mucho 6 1
Chery Tiggo 6 1
Cignal 6 2
PLDT 5 3
PetroGazz 4 4
F2 Logistics 4 4
Akari 4 4
Nxled 3 5
Farm Fresh 1 7
Galeries Tower 0 7
Gerflor 0 8
Mga laro ngayon:
(Philsports Arena)
2 p.m. – PetroGazz vs Farm Fresh
4 p.m. – Cignal vs Chery Tiggo
6 p.m. – Choco Mucho vs F2 Logistics
TARGET ng Choco Mucho at Chery Tiggo na makuha ang kinakailangang bentahe sa semifinals race sa magkahiwalay na laro sa Premier Volleyball League Second All-Filipino Conference ngayong Martes sa Philsports Arena.
Sisikapin ng Flying Titans na mahila ang kanilang winning run sa pito kontra struggling F2 Logistics sa alas-6 ng gabi, habang makakasagupa ng Crossovers ang mapanganib na Cignal sa alas-4 ng hapon.
Umaasa ang PetroGazz na makakuha ng break upang maputol ang four-match slide matapos ang promising 4-0 start sa 2 p.m. duel sa sibak nang Farm Fresh.
May magkatulad na 6-1 records, ang Choco Mucho at Chery Tiggo ay nakadikit sa Creamline, na naitakas ang straight-set win laban sa PLDT sa Cagayan de Oro noong Sabado para hilahin ang kanilang unbeaten run sa pitong laro.
Sa likod ng fourth-leading scorer sa liga na si Sisi Rondina, ang Flying Titans ay galing sa 18-25, 25-23, 25-15, 25-16 panalo kontra Angels noong nakaraang Huwebes.
“Malaking tulong ‘yung panalo namin sa magiging kumpiyansa namin sa susunod na games. Importante kasi bawat laro lalo na ngayon padulo na elimination. Sobrang thankful ako sa naging resulta,” sabi ni Choco Mucho coach Dante Alinsunurin.
Samantala, ang Crossovers ay galing sa 10-day hiatus makaraang gapiin ang High Speed Hitters, 14-25, 25-20, 28-26, 25-19. Handa ang Flying Titans laban sa Cargo Movers na bawal nang matalo sa kanilang mga susunod na laro.
Tabla sa PetroGazz at Akari sa sixth place sa 4-4, kailanga ng F2 Logistics na maipanalo ang mga nalalabi nilang laro para umabante sa Final Four, kung saan makakalaban pa nila ang Chery Tiggo sa Sabado at ang PLDT sa Nov. 30.
Ang Crossovers ay nahaharap sa mabigat na laban kontra HD Spikers, na sa 6-2 kartada ay nasa top four range pa rin.
Batid ni Cignal setter Gel Cayuna kung ano ang kailangan ng koponan para makamit ang kanilang layunin. “Sipag at tatag lang,” ani Cayuna.