CHOCO MUCHO KAKATAWANIN ANG PH SA VIETNAM CUP

CHOCO MUCHO FLYING TITANS (Photo courtesy of Choco Mucho’s Facebook page)

 

ANG Choco Mucho Flying Titans ang magiging kinatawan ng Pilipinas sa 2023 Vietnam Television (VTV)

International Women’s Volleyball Cup na gaganapin sa August 19-26.

Inanunsiyo ng koponan ang kaganapan sa kanilang social media account.

Mapapalaban ang Choco Mucho sa mga katunggali mula sa Australia, Vietnam, Mongolia, Japan, at Korea, sa torneo na magbabalik makaraang magpahinga noong 2019. Ang Vietnam ay magpapasok ng dalawang koponan sa kumpetisyon.

Ang pitong kalahok na koponan ay magbabakbakan sa round-robin format. Ang top two teams sa pagtatapos ng round ay maghaharap para sa titulo, ang third at fourth-ranked teams ay magsasagupa para sa third place, habang ang nasa fifth at sixth spots ay magsasalpukan para sa fifth place.

Ang Flying Titans ay nagtapos sa 2023 PVL Invitational Conference sa seventh place.