CHOCO MUCHO MAGHAHANDA SA SEMIS VS FARM FRESH

CHOCO MUCHO: Babawi para maibalik ang kanilang kumpiyansa bago ang semis. PVL PHOTO

Mga laro ngayon:
(Philsports Arena)

4 p.m. – Nxled vs Capital1

6 p.m. – Choco Mucho vs Farm Fresh

MAGIGING maingat ang Choco Mucho sa kanilang approach laban sa Farm Fresh sa Premier Volleyball League All-Filipino Conference ngayong Martes sa Philsports Arena, sa hangaring mabalanse ang pagpreserba sa kanilang lakas at mapanatili ang competitive form bago ang semifinals.

May record na 8-2 katabla ang Petro Gazz, Creamline at Chery Tiggo, maaaring matalo ang Flying Titans at makapuwesto pa rin sa semifinals. Gayunman, ang panalo ay magpapalakas sa kanilang kumpiyansa matapos matalo sa Cool Smashers noong nakaraang Huwebes.

Maaaring ikonsidera ni coach Dante Alinsunurin ang pagbabago sa strategic lineup sa harap ng patuloy na pagliban ni top spiker Kat Tolentino upang makabuo ng bagong kombinasyon para sa semis.

Determinado rin ang Farm Fresh (3-7) na matikas na tapusin ang kanilang kampanya sa matchup na nakatakda sa alas-6 ng gabi.

Maghaharap naman ang Nxled at Capital1 sa alas-4 ng hapon kung saan sisikapin ng Chameleons na mapaganda ang kanilang 4-6 record habang target nf Solar Spikers ang ikalawang panalo sa  10 laro.

Ang PetroGazz at Creamline, may superior points na 25 at 24, ayon sa pagkakasunod, ay nakasisiguro na ng semis berths.

Kailangan ng Chery Tiggo, may 23 points, na manalo sa  Galeries Tower sa Sabado upang pormal na umabante sa semifinals.

Ang maliit na tsansa ng PLDT na umabante ay nakadepende sa specific outcomes.

Ang High Speed Hitters, na makakasagupa ang Cool Smashers sa Huwebes, ay may 7-3 record at 20 points, at kailangan nilang makapagtala ng superior set ratio upang mapatalsik ang Crossovers sa at fourth spot.

Kailangan ding umasa ng PLDT na ang improbable ay maging posible, nangangailangan ng tulong ng Galeries Tower para maitala ang stunning straight-set reversal sa Chery Tiggo at talunin ang Creamline sa tatlong sets.