CHOCO MUCHO WAGI VS REBISCO

NALUSUTAN ng Choco Mucho ang matamlay na simula upang gapiin ang kapwa Filipino team Rebisco, 22-25, 25-17, 25-19, 25-17, sa classification round sa 2021 Asian Women’s Club Volleyball Championship kahapon sa Nakhon Ratchasima, Thailand.

Ang panalo ay naghatid sa Choco Mucho, binubuo ng veteran professional players, sa duelo para sa fifth place kontra Zhetysu ng Kazakhstan ngayong araw habang tinapos ng Rebisco ang kampanya nito sa ika-7 puwesto.

Nanguna si Kalei Mau sa koponan na may 20points mula sa 19 attacks at isang block habang tumapos sina MJ Phillips at Mylene Paat na may 13 at 10 markers, ayon sa pagkakasunod.

Nagbida naman sa Rebisco sina young guns Faith Nisperos at Mhicaela Belen na nagtala ng  12 at 10 points, ayon sa pagka-kasunod.

Naging matikas ang simula ng Choco Mucho sa opening set, salamat kay Mau, ngunit nakahabol angTeam Rebisco upang itabla ang talaan sa  20. Umiskor ang Rebisco ng apat na unanswered points, sa pangunguna ni setter Kamille Cal.

Isang mishit ni Tin Tiamzon ang naglagay sa Rebisco sa set point, 24-20, ngunit bumawi siya sa pamamagitan ng kill bago gumawa si Jema Galanza ng attack error upang manatiling buhay ang Choco Mucho, 24-22.

Matikas na tinapos ng Team Rebisco ang set sa pagkamada ni Lacsina ng winner.

133 thoughts on “CHOCO MUCHO WAGI VS REBISCO”

  1. 974522 164127I discovered your blog web site on google and appearance several of your early posts. Keep up the superb operate. I just extra the RSS feed to my MSN News Reader. Searching for forward to reading a lot more on your part later on! 297967

  2. 770812 581214Thank you for any other informative web site. The place else may just I am getting that kind of info written in such an ideal approach? 225772

Comments are closed.