ISINISI sa matinding init at sumisirit na heat index kung bakit nasunog ang mga talahib sa ilang burol sa Chocolate Hills sa Bohol.
Ayon sa Bohol Disaster Risk Reduction and Management Council (BDRRMC), naganap ang grass fire dakong alas-7:30 ng gabi nitong Martes at idineklarang fire-out ng Bureau of fire protection, pasado alas-10 ng gabi.
Wala namang naiulat na nasawi o namatay sa nasabing grass fire.
Sa report naman ng Bureau of Fire Protection- Bohol, nakapagtala rin ng grass fire sa kalapit na munisipalidad ng Sierra Bullones sanhi rin ng matinding init sa rehiyon ng Central Visayas.
Sa kabuuan ng Bohol province, nasa 22 bayan na ang nakaranas ng grassfires simula nang mag-umpisa ang tag-init.
EUNICE CELARIO