CHOOKS 3X3 BUBBLE SA LAGUNA APRUB NA

chooks to go

SA WAKAS ay pinayagan na ang Chooks-to-Go Pilipinas 3×3 na ituloy ang 2020 season nito.

Ang Presidents Cup ay lalarga sa Oktubre 21 sa Inspire Academy sa Calamba, Laguna.

Binigyan ng  Inter-Agency Task Force (IATF) ang liga ng provisional license upang idaos ang unang professional season nito mula Oktubre 16 hanggang Oktubre 31.

Nagpasalamat si league owner Ronald Mascariñas sa Inter-Agency Task Force na binubuo ng Games and Amusements Board (GAB), Department of Health (DOH) at Philippine Sports Commission (PSC) sa pagbibigay sa liga ng pahintulot na idaos ang bubble nito.

“All of us are excited to get the ball rolling for our season,” ani Mascariñas.

Ang lahat ng 12 koponan ay magkakaroon ng  final practice sa UP Epsilon Chi Center sa Quezon City mula Okt.  5 hanggang Okt. 7. Sa susunod na dalawang araw, ang lahat ng papasok sa bubble ay sasailalim sa RT-PCR testing.

Mula Okt. 8 hanggang 13, ang mga papasok sa bubble ay sasailalim home quarantine. Magsasagawa ng panibagong RT-PCR testing bago pumasok sa Inspire Academy sa Okt. 14-15.

Ang mga koponan ay magsisimulang mag-ensayo sa Laguna facility sa Okt. 16-18.

Isang preseason tournament ang isasagawa sa Okt. 19 bago ang pagsisimula ng first leg ng liga sa Okt. 21.

Tatlo pang legs ang lalaruin sa Okt. 23, 25, at 27. Ang grand finals, na may nakatayang  P1 million, ay gaganapin sa Okt. 30.

Ang mga koponan na sasabak sa FIBA 3×3-endorsed tournament ay ang Zamboanga Chooks-to-Go, Uling Roasters-Butuan City, Bacolod-Masters Sardines, Nueva Ecija Rice Vanguards, Palayan City Capitals, Zamboanga Peninsula Valientes MLV, Porac Big Boss Cement MSC, Bicol 3×3 Pro, Pasig Sta. Lucia Realtors, Saranggani Marlins, Pagadian City Rocky Sports, at Petra Cement.

Ang Zamboanga ay binubuo nina national team pool players Joshua Munzon, Alvin Pasaol, Troy Rike, at Santi Santillan.

4 thoughts on “CHOOKS 3X3 BUBBLE SA LAGUNA APRUB NA”

  1. 985375 363325This web site is often a walk-through for all with the knowledge you wanted concerning this and didnt know who ought to. Glimpse here, and you will absolutely discover it. 245542

  2. 12622 72074Thank you, Ive recently been looking for information about this topic for ages and yours may be the greatest Ive located out so far. But, what in regards to the bottom line? Are you sure concerning the supply? 564062

Leave a Reply

Your email address will not be published.