APAT na tauhan ng Philippine Air Force (PAF) kabilang ang isang babae ang nasawi sa naganap na helicopter crashed kahapon sa Lantawan, Basilan.
Ayon sa inisyal na ulat, hinihinalang dahil sa sama ng panahon ang isa sa mga dahilan sa pagbagsak ng military chopper na ikinasawi ng apat katao.
Sakay ng bumagsak na chopper ang pilotong sina PAF Cpt Miller at 1Lt Ferrer samantalang ang dalawang kasama nito na sina PAF Sgt Baias at A1C Leal.
Nabatid na ang nasabing helicopter ay ang Rotary Wing Rescue Aircraft of 505 search and rescue ng PAF na may tail number 202 ang bumagsak sa Barangay Upper Manggas sa bayan ng Lantawan bandang ala-1 ng hapon.
Sinasabing malakas ang hangin at matindi ang buhos ng ulan bago naganap ang sakuna .
Narekober sa lugar ng pinangyarihan ang labi ng apat na sakay ng helicopter na kinabibilangan ng isang babae.
Napag-alaman na papunta sana ng Zamboanga ang nasabing aircraft mula Jolo para sa isang humanitarian mission nang maganap ang sakuna.
Agad naman na kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines Western Mindanao Command ang sakuna. VERLIN RUIZ/MHAR BASCO
Comments are closed.