(Chopper, drones, armas atbp.) P3.9-B BAGONG KAGAMITAN NG PNP BINENDISYONAN

armas

CAMP CRAME – PINANGUNAHAN ni PNP OIC Archie Francisco Gamboa ang blessing o pagbabasbas ng mga bagong biling gamit ng pulisya na nagkakahalaga ng kabuuang P3.9 bilyon.

Ang mga bagong gamit na bahagi ng capability enhancement program ng PNP ay iprini­sinta kahapon ng umaga sa Transformation Oval sa Camp Crame.

Kasama rito ang mga bagong sasakyan ng PNP  na kinabibilangan ng isang Bell 429 helicopter na katulad ng unang chopper ng PNP,  dalawang Airbus H125 helicopter, dalawang R44 training helicopter, 21 EOD patrol vehicles at 34 na utility truck para sa mga regional mobile force battalion.

Ang mga bagong armas naman ay binubuo ng 2001 Taurus 9mm, 6353 Tisas 9mm, 10,000 canik 9mm pistola, 21,952 galil 5,56 assault rifle, 1677 K2C1 assault rifle, 205 K3 light sub machinegun, at 8 Negev  5,56 light machine gun at 141 Negev 7.62 machine gun.

Kasama rin sa mga bagong gamit ang 51 drones at 7924 na combat enhanced helmets.

Ipinagmalaki ni Gamboa na dahil sa metikulosong bidding process, napababa ang pres­yo ng galil assault rifles mula sa orihinal na pres­yong mahigit P60,000 sa mahigit P40,000 na lang.

Pahayag ni Gamboa na magiging mala­king tulong din ang mga bagong combat helmet para sa karagdagang proteksiyon ng mga pulis na sumasabak sa mga anti-drug operations. EUNICE C.

Comments are closed.