CHOPPER GAGAMITIN NA RIN SA METRO

helicopter

MANILA – BUKOD sa motorsiklo na pinakamabilis na transportasyon ngayon, posibleng gamitin na rin ang chopper para sa pagbiyahe sa Metro Manila.

Naniniwala sina Lionel Sinai-Sinelnikoff at Darren Tng  na ang helicopter na gawa ng Ascent Urban Air Mobility ang tugon sa pinakamabilis na transportasyon.

“We are confident there is strong demand for faster modes of transport given the booming economy and heavy traffic in Metro Manila,” ayon kina Sinai-Sinelnikoff at Tng.

Maaaring mag-book ng helicopter sa pamamagitan ng kanilang website at maaaring mag-landing sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), central business districts sa Makati, Bonifacio Global City (BGC) sa Taguig, sa Quezon City, gayundin sa mga regional locations sa Clark sa Pampanga at Tagaytay sa Cavite.

“You have a great booming economy. You have a lovely traffic, to be honest, and connectivity issues around Metro Manila as well as wide park of helicopters infrastructure, heliports that’s of low utilization,” ayon kay Sinelnikoff.

Ang fare mula sa NAIA patungong BGC,  na mayroong  10-minute flight,  ay nagkakahalaga ng P8,900 per person, kung pu-punta sa Quezon City mula sa NAIA na may 15-minute chopper ride ay may bayad na P10,900.

Apat katao ang maaaring pasahero sa isang biyahe.

“Right now we have two kinds of flights. Strategic times were based on data analysis and customer feedback, we put out flight timings. The second way is through on demand flight times,” ayon kay Ascent CCO Tng.

Plano rin ng kompanya na umabot hanggang Visayas ang kanilang operasyon ngayong taon at magkakaroon din sa Thailand.         EUNICE C.

Comments are closed.