KINUHA ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) si Chot Reyes bilang kapalit ni Tab Baldwin makaraang magbitiw ang American-Kiwi tactician sa kanyang puwesto sa Gilas Pilipinas.
Ayon sa SBP, itutuon ngayon ni Baldwin ang kanyang atensiyon sa kanyang mga responsibilidad sa Ateneo de Manila University men’s basketball team, na ginabayan niya sa tatlong sunod na UAAP titles mula 2017 hanggang 2019.
“The ongoing delays caused by the pandemic have resulted into an overlap in schedules between the coming UAAP season and the preparation for the FIBA World Cup 2023 Qualifiers,” sabi ng SBP sa isang statement.
“In light of this, Gilas head coach Tab Baldwin has expressed to SBP chairman emeritus, Mr. Manuel V. Pangilinan that he is stepping down from his duties.”
Hindi na bago si Reyes sa programa ng Gilas Pilipinas.
Ang kasalukuyang head coach ng TNT ang arkitekto sa likod ng pagbabalik ng nationals sa FIBA Asia stage, kung saan iginiya niya ang Gilas sa silver medal finish sa 2013 FIBA ASia Championship na nagresulta sa makasaysayang pagsabak sa FIBA World Cup ng sumunod na taon.
Bukod dito ay tinulungan din ni Reyes ang national team na magwagi ng medalya sa at William Jones Cup.
“The man behind the ‘PUSO’ team who broke the infamous ‘Korean Curse’ is expected to once again bring Philippine basketball to the next level,” sabi pa ng SBP.
Ang Pilipinas, kasama ang Japan at Indonesia, ay magiging co-hosts sa FIBA World Cup sa 2023.