BALIK-HEAD coach si coach Chot Reyes sa kampo ng TNT Tropang Giga.
Ayon kay coach Chot, ito’y isang challenge sa kanyang coaching career. Ilang taon din naman siyang naging head coach ng MVP franchise, at naka-pagbigay siya ng ilang kampeonato sa team tulad noong 2009, 2011 at 2012 Philippine Cup at noong 2011 Commissioner’s Cup. Limang beses siyang naging ‘Coach of the Year. Siya ang nagpa-trending sa ‘PUSO’.
Pinapa-stay ng management si team consultant Mark Dickel sa koponan ngunit mas pinili nitong bumalik sa US at maghanap ng bagong opportunity sa Las Vegas, Nevada, sabi ni Mr Ricky Vargas.
Nagpapasalamat ito sa dalawang taon nitong pagiging team consultant ng TNT kung saan dalawang beses niyang dinala sa finals ang koponan. ‘Yun nga lang, hindi sinuwerte at lagi ang kalaban ang nagtsa-champion.
Ang coaching staff ni Chot ay sina Bong Ravena, Sandy Arespacochaga, anak na si Josh Reyes, Yuri Escueta, Alton Lister at ang bagong dagdag na si Ranidel de Ocampo.
Welcome back, coach Chot at good luck sa buong team ng TNT Tropang Giga.
Muling kumilos ang pinagsanib na puwersa ng Games and Amusements Board (GAB) Anti-Illegal Gambling Division at Manila Police District (MPD) Special Operation Unit na nagresulta sa pagkadakip sa tatlong operators ng illegal bookies nitong Miyerkoles sa Pandacan, Manila.
Sa isinumiteng report ng GAB-AIGU, sa pangangasiwa ni SGI-2 Gleen Pe, kay GAB Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra, kasama ang spot report, sinalakay nitong Pebrero 10 ng GAB-AIGU at MPD-DSOU, sa pangunguna ni PCPT Jervies Soriano, Deputy Chief, sa patnubay ni PMAJ Roderick Caranza, Acting Chief, ang illegal bookies sa No. 2873 Road 1 corner Baretto Village, Brgy. 840 Zone 91, Beata, Pandacan, Manila.
Naaktuhan na nagsasagawa ng ilegal na aktibidad at sinampahan ng kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 o Anti-Gambling (Illegal Horse Racing Bookies) sina Freddie Bustinira, 51; Daniel San Lorenzo, 38 at Jay Hernandez, 32. Nasamsam sa kanila ang iba’t ibang kagamitan sa pagsasagawa ng ilegal na gawain.
Ayon kay Pe, matagal nilang minannaman ang naturang lugar matapos na makatanggap ng sumbong mula sa concerned citizens at nang matiyak na positibo ang illegal bookies ay kaagad silang humingi ng tulong sa kapulisan.
“Hindi po kami titigil hanggang may mga kababayan tayong nagmamagandang loob upang masawata ang ganitong mga gawain. Muli kaming nagpapaalala sa ating mga kababayan na huwag tangkilikin ang ganitong gawain. May mga off-track betting station po tayo na ginagabayan ng GAB at makasisiguro kayong ang buwis na nakukuha ay makatutulong sa inyong kapwa,” sabi ni Pe.
“‘Yun pong itinataya ninyo sa ilegal bookies ay buwis na sana na magagamit ng pamahalaan sa iba’t ibang programa sa komunidad. Huwag na po nating tangkilikin ang mga ito,” aniya.
Comments are closed.