CHOT IDINEPENSA NI CLARKSON, RAMOS VS ‘HATERS’

IDINEPENSA nina Jordan Clarkson at Dwight Ramos si Gilas Pilipinas head coach Chot Reyes na binastos ng home crowd sa laro ng national team kontra Saudi Arabia.

Binoo ng fans sa jam-packed Mall of Asia Arena si Reyes mula sa pre-game hanggang sa kabuuan ng laro ng Gilas sa fourth window ng 2023 FIBA Basketball World Cup Asian qualifier.

Matapos ang 84-46 blowout win ng Gilas ay pumanig si Clarkson sa veteran mentor na binabatikos dahil sa hindi magandang performance ng koponan sa international level.

“For somebody to get rocks thrown at them for putting all this together and bringing me and Kai (Sotto) and bringing his vision, coming back to the game is b******t,” ani Clarkson.

“So I think we should all support him and support what he got going on because in the next World Cup, whatever we got, we gotta have each other’s back,” anang Filipino-American NBA player.

Sinabi naman ni Ramos na ang hindi magandang pagtanggap ng Filipino crowd kay Reyes ay hindi magandang paraan para simulan ang laro, at hiniling sa fans na suportahan ang Gilas bilang isang koponan, kabilang ang kanilang coaches.

“Thank you for coming out and supporting, but if you’re gonna support us, I’ll appreciate you guys not booing our coach. We’re all together as one and I really didn’t appreciate that,” sabi ni Ramos sa isang chance interview.

Tumugon din si Reyes sa tinatawag niyang mga “haters” niya.

“I’m sure you know how many haters I have. I know that there are also supporters — maybe not as vocal, maybe not as noisy — but as long as I can inspire one or two individuals then it’s all worth it,” aniya.

“Murahin ninyo na ako, bash ninyo na ako nang todo, basta suportahan ninyo ‘yung team,” dagdag pa niya.