CHR HINIMOK ANG SENADO NA SUPORTAHAN ANG MALAYANG PAMAMAHAYAG

HINIMOK  ng Commission on Human Rights (CHR) ang pamahalaan na suportahan ang press freedom sa bansa.

Ito ang sinabi ng CHR matapos muling ihain ang Media Workers’ Welfare Act sa Kamara nitong ika-19 na Kongreso

“CHR commends the intention of the said bill to improve the welfare and work conditions of media workers who courageously seek and report the truth despite the risks,” ayon sa CHR.

“Upholding the dignity and labor rights of media workers is essential to the flourishing of press freedom while also enhancing the people’s right to timely and accurate information,” dagdag pa nito.

Sinabi ng CHR na maaaring makatulong sa pagpapalakas ng moral ng mga manggagawa sa media at maaaring hikayatin ang mas maraming kabataan na ituloy ang karera sa larangang ito ang bagong panukala. LIZA SORIANO