NAG-UWI ng malaking karangalan si Christian Bables mula sa kanyang trip sa Chicago, USA kamakailan. Personal na tinanggap ni Christian ang kanyang Bright Star Award 2019 Asian Pop-Up Cinema para sa kanyang napakahusay na pagganap sa pelikulang “Signal Rock.”
“Sometime August, parang tinawagan ako ng Regal (Films), nina Ma’m Roselle (Monteverde), ‘Christian, you won an award, sa Chicago. I went there without any expectations. Akala ko simpleng awarding. Pero ang laki-laki pala niyang event,” umpisang kuwento ni Christian.
Three-day event pala siya na ang highlight ay si Christian lang.
Ang taray ni Christian, ‘di ba?
“Yung three-day event ano siya, isang gabi na screening. Screening na for ‘Signal Rock’ lang. And then, may Q&A. Meron isang araw allotted for the Hollywood press. Ang nag-interview sa akin, mga taga-Hollywood na press. Then, isang araw ‘yung awarding. And, hindi ko ine-expect na grabe ‘yung magiging pagtanggap nu’ng mga Americans.”
Nakausap namin si Christian sa media conference para sa pagkakapanalo niya ng Bright Star Award na ginanap sa Sct. Limbaga, Limbaga St., QC.
Ang ‘Signal Rock’ ay mula sa direksyon ni Chito Roño at isa sa official entries noong 2018 Pista ng Pelikulang Pilipino ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).
Napanalunan ng ‘Signal Rock’ ang Special Jury at Critics’ Choice sa PPP 2018. At napagwagian din ni Christian ang karangalan bilang Best Performance by an Actor.
“Maraming films from different countries ang pinagpilian. Dalawa lang ‘yung award na binigay nila. ‘Yung Lifetime Achievement Award na binigay nila sa isang direktor sa Hongkong. And then, eto na, Bright Star Award. Awa ni God, ako ‘yung nakakuha.”
Ang Asian Pop-Up Cinema is an annual event in Chicago. Nag-i-invite sila ng films from different countries at saka nila nire-review.
“The founder, Miss Sofia Boccio, napanood daw ata nila ang ‘Signal Rock’ nu’ng nag-screen kami sa Italy. Tapos doon niya nakita ‘yung performance ko.
Twelve films daw ang pinagpilian ng Asian Pop-Up Cinema from different countries. Ang Bright Star Award ang kanyang ikalawang international Best Actor na nakuha niya mula sa pagganap niya sa ‘Signal Rock.’
Last year, nanalo rin si Christian ng Best Actor award sa Hanoi Film Festival sa movie rin niya na ‘Signal Rock.’
Ninanamnam ko na lang kasi, minsan lang itong nangyari. Hindi lagi na mare-recognize tayo ng ibang bansa.I’m very thankful.”
May tatlong pelikula si Christian na naka-line-up. Nagsimula na rin siyang mag-taping sa bago niyang serye with Bea Alonzo, Richard Gutierrez, Rafael Rossel and Jameson Blake sa direksyon ni Mae Cruz.
Bukod d’yan, may stage play din siya na gagawin sa Tanghalang Pilipino. Ano ang gagawin niya kapag nagkasabay-sabay ang schedule niya sa serye at sa stage play, plus ‘yung movie pa.
“Yan ang ano, d’yan ako bilib kay Tito Boy (Abunda, his manager and owner ng Asian Artist Agency), kaya niyang balasahin, kumbaga. Alam niya kung kailan ako makakapag-prepare ng maayos.”
“Ayoko ng may kasabay. Para as much as possible nabibigay ko ang buong sarili ko doon sa karakter,” lahad pa ni Christian.
Christian is being managed by Asian Artist Agency. For inquiries, please call (02) 88554765 or (02)34054423, email [email protected], and visit fb.com/asianartistagency.
Comments are closed.