PANAKAW naming nakausap si Christian Bautista sa backstage ng theater sa Resort’s World during the Star Awards for Music ng Phil. Movie Press Club kung saan isa siya sa mga host ng awards night.
We asked him about sa nababalitang paglipat ng host sa programa nila sa GMA7 na “The Clash” na si Regine Velasquez sa ABS-CBN. Siyempre, sealed ang lips ni Christian from what he knows. Basta naririnig-rinig lang din daw niya. At sa pagkakaalam lang din niya, malapit na ring matapos ang programa nila.
So, feeling namin pagbalik ni Regine on TV malamang sa Kapamilya network na nga natin siya mapanood next year.
Kinilig naman kami backstage nu’ng abutan namin si Christian at ang fiancé niya na nag-kiss sa lips for goodbye that night. Hindi na raw keri nu’ng girl na hintayin pa si Christian at sabay silang umuwi. Sobrang puyat na si girl kaya nagbabu na kay Christian.
MICHELLE VITO INAMIN NA HINDI RAMDAM
KUNG TYPE SIYA NI CHRISTIAN BABLES
SHOWING na ang “Petmalu” movie ni Direk Joven Tan na pinagbibidahan ng mga young generation of stars na sina Diego Loyzaga, Charles Kieron, Jairus Aquino, Vitto Marquez, Bryan Gazmen, Marlo Mortel and Michelle Vito.
Proud si Michelle sa movie nila dahil ipapakita raw dito ang mga hirap na pinagdadaanan ng mga kabataan at kung paano nila ‘to haharapin para umangat sa buhay.
Even in real life, isang mabuting ehemplo rin si Michelle. Kahit busy sa kanyang showbiz career, pinagpapatuloy pa rin niya ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo. And now, graduating student siya sa St. Benilde sa kursong Human Resource Management
Klinaro naman ni Michelle sa amin ang pagkakaugnay niya kay Christian Bables.
“Ay, wala po. Parang ang kita ko lang po noon is parang sinabi nga po niya ata sa TWBA or sa isang interbyu niya na ah, ‘yung parang gusto niyang makalabtim po, parang ganoon. Baka gusto lang po niya ako’ng maka-loveteam,” depensa ni Michelle.
Hindi niya raw naramdaman na may napi-feel na “something” sa kanya si Christian. But now, masasabi raw niyang friends talaga sila ni Christian.
“Kapag nagkikita kami talaga ah, happy kami kapag nagkikita kami. Kasi dati, ‘yung ‘I Love you To Death,’ ah, since palagi kaming magkakasama nina Christian.”
Sumasabay daw sa kanila ng parents niya si Christian pauwi minsan. Dina-drop-off namin siya kung saan siya convenient pauwi kasi medyo malayo ang location nila.
Hindi rin daw niya masabi kung may chance sa puso niya si Christian just in case na niligawan talaga siya ni Christian. Kaya lang, busy daw talaga siya sa kanyang career and studies.
“So, ‘yung mga subjects ko, bawat term ang hirap na talaga. Thesis na ganyan. Kailangan ko talagang mag-focus muna doon. At sa Benilde, wala rin talagang nag-attempt na,’ Hoy,’ Ang feeling ko nga ang pangit ko, e. Kasi wala talaga, as in, itlog! Hahaha!”
‘Yun na.
Comments are closed.