CHRISTIAN BAUTISTA NAWAWALA NA ANG GOOD IMAGE

CHRISTIAN BAUTISTA

SIMULA pa lang ng “The Clash” kung saan ay isa si Christian Bautista sa mga judges ay ma­rami na itongwallface natatanggap na hate comments sa kanyang social media account. Kaya nang makausap ng inyong lingkod ang magaling na singer sa backstage ng Network Performing Arts Theater ng Resort World Manila kung saan idinaos ang nakaraang PMPC Star Awards for Music at isa si Christian sa naging host ng naturang event ay kinuha namin ang komento ni Christian sa patuloy na pagdami ng kanyang bashers.

Ani ni Christian, mas mag-e-expect diumano siya ng mas marami pang haters dahilan sa mas hihigpit ngayon ang singer/actor sa kanyang pagju-judge, ngayon na paunti ng paunti na ang mga contestants at salang-sala na ang mga magagaling.  Hindi raw kasi maiwasan na marami siyang masasagasaan na hindi nanalong contestants at mga supporter nito. May mga against sa mga comment niya sa mga ‘talunang’ contestant pero tanggap naman ni Christian na hindi lahat ay kaya niyang i-please.

Kung bibigyan ulit ng isang singing talent show si Christian ay pipi­liin na ba niyang maging host kaysa maging isang judge?

Ayon kay Christian, mas gugustuhin pa rin daw niya ang maging judge, dahilan sa nabibigyan niya ng magandang mga payo ang mga nanga­ngarap maging isang singer. Sa pagiging host daw kasi ay magiging limited lang ang kanyang mga komento. Okey lang daw kay Christian na mawala ang kanyang sweet image o romantic balladeer image dahilan sa kanyang pagi­ging istriktong judge pero kung magiging daan naman ito na matuto at ma-improve ang singing talent ng contestant at ganu’n na rin ng mga viewer ay happy na si Christian na maging suki ng bashers.

ALDEN RICHARDS HUMAKOT NG PARANGAL SA STAR AWARDS FOR MUSIC

ALDEN RICHARDSHINDI lang isa kundi tatlo ang inuwing parangal ni Pambansang Bae Alden Richards sa katatapos lang na PMPC Star Awards for Music. Tinanggap ni Alden mula sa award-giving body ang Male Pop Recording Artist of the Year, Pop Album of the Year, and Album of the Year para sa kanyang album na pinamagatang ‘Say It Again.’

Lubos naman ang pasasalamat ni Alden sa PMPC at sa lahat ng kanyang mga tagahanga na walang sawang sumusuporta sa kanya.

Samantala, sa GMA Primetime series naman niyang “Victor Magtanggol”, hindi magugustuhan ni Gwen (Janine Gutierrez) ang balak ng kanyang amang si Hector (Eric Quizon) na ipakasal siya kay Tim (Lucho Ayala). Dahil dito, magtatapat siya kay Hammerman (Alden) ng tunay niyang nararamdaman. Makikita ni Sif (Andrea Torres) ang dalawa at halos hindi niya mapigilan ang kanyang galit. Paano na kaya ito?

MARIEL DE LEON BABAGUHIN ANG ATAKE NI SUSAN ROCES AT LORNA TOLENTINO

SA ikatlong pagkakataon ay may remake muli ang “Patayin sa Sindak si Barbara” na unang dinirehe MARIEL DE LEONnoon ng yumaong director na si Celso Ad Castillo at pinagbidahan ni Susan Roces, sa te­lebisyon series naman ay dinirek ni Celso Ad Castillo. Ngayon ay muli itong gagawin ng Viva Films, at pag-bibidahan ng baguhang actress at anak nina Christopher de Leon at Sandy Andolong, si Mariel de Leon, former beauty queen turn actress.

Nang matanong si Mariel kung paano niya bibigyan ng kakaibang atake ang masasabing launching movie, nasabi nitong may pagka-daring and sexy ang kanyang magiging role dito na tila malayo sa unang ginawa ni Susan.

Hindi naman daw super sexy at may limitasyon naman daw ang kanyang gagawin. At dahil baguhan sa showbiz ay kumuha muna ng blessing si Mariel sa mga magulang bago sumabak sa pagpapa-sexy. Hindi naman tumutol ang mga ito bagkus ay binigyan pa ng suporta sa kundis­yon na hindi lalagpas si Mariel ng sobra-sobra.

Comments are closed.