LIMA katao na umano ang nasawi sa pagsabog ng hindi pa matukoy na bomba sa gymnasium ng Mindanao State University sa Marawi City kaninang umaga.
Sa sketchy report ng Police Region Office -Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (PRO-BAR) mayroong mga Christian students ang nagsasagawa ng Sunday prayer ngayong umaga ng Linggo nang maganap amg magsabog ng bomba.
Una nang kinumpirma ng pulisya na tatlo ang dead on the spot habang siyam ang sugatan.
Subalit may nag-ulat mula sa ilang MSU faculty member na pumalo na sa lima ang nasawi at maraming nasugatan.
Inaantabayanan pa ang official report ng Marawi City Police Station at Lanao del Sur Provincial Police Office hinggil sa insidente.
May mga usap-usapan na lokal na mga teroristang hawig ang grupo sa Islamic State of Iraq and Syria ang nasa likuran ng naturang pambobomba.
EUNICE CELARIO