KAHIT second choice lang si Christine Bermas para maging bida sa “Scorpio Nights 3” dahil si AJ Raval ang first choice dito, ayos lang sa kanya.
Alam naman natin kung gaano kapangahas ang Scorpio Nights (1985) ni Anna Marie Gutierrez, at Scorpio Nights 2 (1999) ni Joyce Jimenez kaya siguro natakot si AJ na tanggapin ito. Congratulations kay Christine na nagkalakas siya ng loob na tanggapin ang role na ito.
Pero pressured daw si Christine dahil sobrang kakaiba ang role, considerinbg na NBSB ang young actress o no boyfriend since birth. Nagandahan daw si Christine sa istorya ng Scorpio Nights 3, pero dadaan raw muna siya sa matinding acting workshop para ma-handle niya ng maayos ang role niya sa pelikulang ito.
SANYA LOPEZ BORACAY GIRL THIS SUMMER
Sobrang sexy ni Sanya Lopez sa kanyang latest bikini photos nitong nakaraang Holy Week sa Boracay kasama ang kanyang mga kaibigan at pamilya para mag-relax. Hindi man singmahal ng OOTD ni Heart Evangelista ang OOTD niya, hindi naman pahuhuli ang kaseksihan ni Sanya.
Wala namang kwesyon sa kaseksihan ng bida sa “First Lady”. Kahit nga si Miss Earth 2015 Angelia Ong approve sa sexy outfit ni Sanya. Enjoy the beach!
GAB VALENCIANO RUMESBAK SA BASTOS NA BASHER
Totoo naman ang sinabi ni Gab Valenciano sa kanyang mga bashers na hindi niya kasalanan kung miserable man ang buhay nila.
Sabi niya, “Kung sino ka man, God bless you. Trying to insult me means you are triggering Filipinos struggling to make ends meet. Shame on you. I have a beautiful family, support system, and a God who loves me. Not my fault you’re miserable.”
Dagdag pa niya. “Filipinos used to be warm, loving, hospitable and caring. Where did we lose our way? What happened to us? “God bless you whoever you are.”
Binabatikos si Gab sa istilo ng kanyang pagsasayaw at pagra-rap sa rally ng Leni-Kiko team at ikinukumpara siya sa UniTeam supporter na si Andrew E. gayunman, ambassador siya ng National Red Cross for Mental Health sa bansa. Hinikayat niya ang mga dumaranas ng depression na lumapit sa kanya o sa Red Cross.
Si Gab mismo at kaka-recover lamang ni Gab sa isang depressive episode. Aniya, May handang makinig at tumulong sa mga taong dumaranas ng anxiety at depression.