Walang walkout na nangyari sa Metro Manila Film Festival 2024, at lalong hindi napahiya si Christine Reyes kaya nagmamadali ito habang umiiyak na umalis sa Solaire Hotel.
Ayon kay Ara Mina, kapatid ni Christine, nagkaroon ng mild stroke ang matanda na nilang ina kaya isinugod sa ospital. Nag-alala raw ng sobra si Christine kaya nagmamadali itong umalis para tumuloy sa ospital at tingnan ang kalagayan ng ina.
Iyakin daw talaga si Christine kahit noong bata pa, pero hindi ibig sabihing sumama ang loob niya dahil hindi siya nanalo.
Aniya, masyadong judgemental ang nagsulat ng balitang nag-walkout nga si Christine. Hindi man lamang umano ito mag-imbestiga kung ano talaga ang nangyari.
Isa pa, wala raw namang comment si Christine sa mga nanalo lalo na kay Judy Ann Santos na siyang tinanghal na best actress. Better luck next time na lang daw.