ChristineBermas ayaw sa cheater

NAKIPAGHIWALAY  na rin si Christine Bermas sa dalawang taong boyfriend niyang si Nico Locco dahil hindi na niya kaya ang paulit-ulit na panloloko nito.

Ani Christine, totoong minahal niya si Nico at alam ito ng lalaki, at hindi iisang beses niya itong pinatawad sa mga panloloko nito sa kanya pero nakakasawa na. siguro umano ay may hinahanap ang kanyang ex na wala sa kanya kaya palalayain na iya ito. Baka sakali raw na magbago oto sakaling makita na ang tamang babae para sa kanya.

Aminado naman si Christine na nasaktan siya ng todo dahil ilang beses na nangaliwa sa kanya ni Nico kaya sila nag-break. Nasisira na raw ang buhay niya kaya palagay niya ay dapat na silang maghiwalay. Nagkakaroon din umano sila ng mga misunderstandings dahil sa trabaho. Nawawalan sila ng oras sa isa’t isa. Basta raw, ang dasal nya lang ay makatagpo sana si Nico ng babaing hindi na niya lolokohin.

Part pa rin umano ito ng growing up at kahit nasaktan si Christine, hindi raw naman niya ininubunton lahat kay Nico ang sisi.

Gayunman, medyo nahihirapan umano siya ngayong magtiwala uli. Pero iniisip niya, dahil bago pa lang siyang nakipaghiwalay. At sa susunod, sisiguruhin daw niyang hindi na cheater ang kanyang mamahalin. NLVN