CHRISTMAS BONUS SA MGA BRGY TANOD

INIHAIN sa Kamara de Representantes ni Bicol Saro Partylist Rep. Brian Raymund Yamsuan ang isang panukala na magbibigay ng dagdag-benepisyo sa mga barangay tanod.

Nakasaad sa House Bill (HB) No.10909 na isinusulong nito na mabigyan ng Christmas bonus ang mga tanod gayundin ng free legal assistance at insurance coverage.

“Members of the barangay tanod brigades serve as public safety officers in our communities. We hardly notice them as they carry out their task of keeping our homes and streets safe, especially at night when most of the community is resting,” ayon sa kongresista.

“They are at times, exposed to criminal elements and other dangerous threats to the community, yet the benefits they receive are not commensurate with the risks they face every day” saad pa nito.

Sinabi ng mambabatas na sa kasalukuyang batas ay kakaunti lamang ang nakukuhang benepisyo ng mga barangay tanod kaya panahon na para bigyan sila ng pagkilala lalo at nalalagay sa panganib ang kanilang buhay sa pagganap sa kanilang tungkulin.

Nakapaloob sa naturang house bill na ang mga kwalipikadong tanod ang napipisil na bigyan ng kalahati ng bonus na natatanggap ng mga punong barangay, gayundin ang pagtiyak na mayroon silang libreng legal assistance kapag nasangkot sa reklamo bilang bahagi ng kanilang trabaho at insurance coverage.

“The insurance coverage includes temporary and total and permanent incapacity or disability; double indemnity; injuries resulting from accident; and death and burial benefits as provided under Republic Act (RA) 6942 or RA 7160 (Local Government Code), whichever is higher” ayon sa kanyang panukala.

Ipinanukala rin ni Yamsuan na mabigyan ng prayoridad ang mga tanod sa pagtanggap ng mga barangay livelihood at development projects.

Aniya, kapag naisabatas ang panukala magiging kwalipikado sa nasabing benepisyo ang mga tanod na nakapagsilbi na ng isang taon pataas.

RUBEN FUENTES