CHRISTMAS LIGHTS NA SUBSTANDARD MALALAMAN SA MOBILE APP

MOBILE APP-2

ISANG mobile app ang ipinakilala ng Department of Trade and Industry (DTI) na maaaring gamitin ng mga konsyumer upang malaman kung substandard o mahinang klase ang bibilhing Christmas lights.

Tsinitsek ngayon ng Trade regulation inspectors ang retailers ng umano’y nagbebenta ng substandard na Christmas lights.

Ipinakita ni Ines Cajegas, hepe ng  Consumer Protection Division of DTI-7, sa media ang madaling paraan para sa mga konsyumer na ma-tsek kung ang Christmas lights  na gusto nilang bilhin o nabili na ay dumaan sa product standard.

“It is just simple, they just have to download the software application in playstore for android phone, download the ICC verifi-cation system. If you have it already, you just have to scan it on the QR code. And it is just for free,” sabi niya.

Pahayag ni Cajegas na ang system ay inilunsad ng Bureau of Philippine Standards (BPS) sa Maynila nitong unang buwan ng taon at ito ay na­tsek na bilang usable and user-friendly application.

Sa paggamit ng Import Commodity Clearance (ICC) verification system, ani Cajegas, malalaman ng konsyuumer kung ang Christmas light ay pasado sa product standard o nagtataglay ng ICC mark kapag ito ay napatunayan.

Habang nalalapit ang Kapaskuhan, nagiging in demand ang Christmas lights. Gumawa ang ahensiya ng mga pag-ii­ngat laban sa mga bilang ng Christmas lights na hindi dumaan sa pamantayan ng kaligtasan at tibay.

“It is important nga ma-check (it is checked) because it will involve the safety of our consumers. These Christmas lights are one of the favorite decorations every Christmas. So, almost everyone buys Christmas lights. The chances are other consumers might just choose the cheaper one,” sabi ni Cajegas.

Pahayag niya na may mga tao na bumibili ng “3-for-P100” na Christmas lights na hindi sertipikado. Sa  paglulunsad ng ICC mobile app, madali na itong magagawa, dahil ito ay back up ng physical presence ng  DTI standard enforcement officers na bumibisita sa mga tindahan at pamilihan.

Nagsagawa ang DTI-7 standard enforcement officers ng mapping activity noong nagdaang linggo sa mga rehiyon kung saan mabenta ang Christmas lights.

Ang local government units (LGUs), ay nagbibigay ng impormasyon sa retailers na nagdi-display ng ilaw na hindi naman sertipikado.

Dagdag pa nito, ang mga bayan ng  Mandaue at Danao ay humiling na sa DTI-7 na bigyan sila ng prayoridad sa inspeksiyon.

Ang substandard Christmas lights ay kukumpiskahin. “If retailers of substandard Christmas lights resist during confiscation, a formal charge will be filed and appropriate penalties will be imposed against them,” pagdidiin nito.

Pinaalalahanan din ni Cajegas ang mga kons­yumer na mag-imbestiga ng plug at kable ng lighting set at iwasang bumili ng mga ilaw na madaling mabasag at may mga bakas ng pagkasira.                   PNA

Comments are closed.