MAAARI nang magsagawa o magdaos ng mga Christmas party o katulad na pagtitipon ngayong holiday season.
Ayon kay Department of Interior and Local Government (DILG) spokesman Undersecretary Jonathan Malaya, ito ay dahil nasa alert level 2 na ang buong bansa subalit kailangang sundin ng mga magradaos ng mga party ang alert level regulations.
Aniya,sa ilalim ng alert level 2, pinapayagan ang 50% venue capacity para sa mga pagtitipon.
“In Alert Level 2 areas, it is allowed at 50% venue capacity, and additional 10% if the venue has a safety seal, minimum public health standards such as wearing of face mask, social distancing, should be strictly observed, too,” ayon kay Malaya.
Sinabi pa nito,kung gagawin ang pagtitipon sa mga establisimiyento ay puwede silang dagdagan pa ng 10% capacity kung may safety seal.
Kaakibat ng kondisyong ito ay ang pagsunod pa rin sa minimum public health standards tulad ng pagsusuot ng face mask at pag obserba sa social distancing.
Paalala naman ni Malaya sa mga establisimiyento na hindi makasusunod sa mga patakaran, maaari silang mabawian ng safety seal at masuspinde ang business permit.
“If these Christmas parties violate these, then the safety seal will be revoked and the business permit of the establishment will be suspended,” dagdag pa ng opisyal. EVELYN GARCIA