KASABAY ng pagpapailaw sa harapan ng iconic na Manila Central Post Office Building ang paglulunsad ng “Christmas Stamps 2022” na nagtatampok ng mga tradisyonal na Filipino Christmas scenes na inspirasyon ng Pag-ibig ni Kristo sa pamamagitan ng “Unity, Faith and Prosperity”.
Ayon kay Postmaster General Norman Fulgencio, ang postage stamps ay inilabas upang ilarawan ang pagiging mapagmahal ng mga Pilipino at matibay na pananalig sa Diyos tulad ng pagbabahagi ng mga regalo at pagkain, mga parol na nagbibigay liwanag sa mga bahay at mga pamilyang nagsasama-sama upang ipagdiwang ang kagalakan ng panahon ng Pasko.
Pinangunahan din niya ang pamamahagi ng mga post office employees ng food packs sa 200 indgents sa paligid ng Liwasang Bonifacio.
“No matter how hard it is, Filipinos will always have the heart to celebrate Christmas. After all, Jesus is the reason for the season, kaya “tayo nagdiriwang ng Pasko” (that is why we celebrate Christmas). The simple act of sharing brings happiness and blessings,” saad ni Fulgencio
“The event will also give us the opportunity to showcase the city post office’s historic building, promote domestic tourism, and propagate the development of Filipino arts and culture through postage stamps,” dagdag pa niya.
Nag-imprenta ang PhilPost ng 40,000 kopya ng 40 ibat-ibang disensyo ng selyo sa halagang P12 bawat isa.
Nagtulungan ang mga in-house na graphic arts designer na sina Agnes Rarangol, Ryman Dominic Albuladora, Eunice Beatrix Dabu at Israle Viyo upang makagawa ng makulay at artistic cartoon-style postage stamps.
Available ang mga selyo at Official First Day Covers simula Didyembre 9, 2022 sa Philatelic Counter, Manila Central Post Office. PAUL ROLDAN