PINANGUNAHAN ni NCRPO ARD PBGen Jonnel Estomo at ng kanyang maybahay na si Dra.Lorena Estomo ang pagdiriwang ng Lighting of Christmas Tree and Lantern na ginanap sa harapan ng Hinirang Hall, NCRPO Camp Ricardo Papa, Bicutan, Taguiq City.
Ayon kay Estomo, minsan lang tayong mabubuhay sa mundo at ang buhay natin ay iisa lamang, kaya habang nabubuhay ay samantalahin ang paggawa ng mabuti sa kapwa at pamilya.
Aniya, gawin ‘merry’ ang christmas ng pamilya sa Metro Manila at sa mga kababayan sa pamamagitan ng pagtupad ng maayos sa tungkulin ngayong Kapaskuhan.
Binigyang diin nito, walang pinakamagandang regalo kundi ang magandang serbisyong maipapakita at mapaparamdam sa oras ng pangangailangan.
“ANG tunay na kahulugan ng Pasko ay hindi ang mga regalo, masasarap na pagkain at material na bagay kundi ang pagpapatawad, pagmamahalan at kaligayahan,” diin ni Estomo.
Kaya’t sama-samang ipagdasal, pagtulungan at pagsumikapang ang isang Paskong mapayapa at tahimik para sa pamilya at Metro Manila. EVELYN GARCIA