PINANGUNAHAN ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Dionardo Carlos ang Christmas Tree and Lanterns Lighting ceremony sa Camp Crame kagabi, Disyembre 1.
Ang pagpapailaw sa Christmas Tree at Lanterns ay Pagpapaalala na papalapit na ang Kapaskuhan.
Ang buong yunit na naka-detail sa Camp Crame ay sumaksi sa pagpapailaw habang mayroon ding mga bisita.
Sa kanyang talumpati, pinasalamatan at binati ng advanced Merry Christmas ni Carlos ang lahat ng kaagapay niya sa pamumuno sa PNP sa pangunguna ng kanyang command group na kinabibilangan nina Lt. Gen. Joselito Vera Cruz, The Deputy Chief for Administration; Lt. at Gen. Ephraim Dickson. The Deputy Chief for Operations, at Maj. Gen. Rhodel O Sermonia, The Chief Directorial Staff, buong police force at mga bisita.
“Christmas is a time of the year where we connect each other with joy, excitement and wonder. It is also a time when we begin to say thank you and goodbye to another one year as we look forward and welcome with hope another prosperous year to come,” ani Carlos.
Samantala, kinilala rin ng PNP Chief ang pagpupursige ng kanyang mga tauhan na sa gitna ng pandemya na tumugon sa tungkulin, hindi dapat maging balakid sa selebrasyon sa Pasko ang kinaharap na problema.
“With the world shifting to the new normal and as we find an array of advanced methods being integrated into the celebration this festive year, let us remember that whatever challenges life has bring to our lives, it doesn’t prevent us from making this Christmas a merry and meaningful one by bringing new hope, positivity and solutions to worries and uncertainties,” dagdag pa ni Carlos.
EUNICE CELARIO