Mayroon palang napakagandang Christmas Village sa Baguio City sa Baguio Country Club, at natuklasan ko lamang ito noong nagdaang November. Isa itong affordable na paraan upang ma-enjoy ang kapaskuhan at sa napakamurang halaga. Ang entrance fee ay generally categorized by age groups. Adults: PHP 120. Children (4 to 12 years old): PHP 50. Pag 13 years old, considered adult na. Pero dahil matatangkad ang pamilya namin, yung 11-years old na bata, adult na raw.
Tinatawag din and Christmas village na holiday village. Ito yung miniature model ng traditional winter village scene kung saan may mga small-scale buildings, mga tao, hayop at iba pang festive decorations tulad ng snow-covered trees at mga street lamps. At syanga pala, si Santa Claus ang bossing dito — with the help of Mrs. Santa Claus.
Tradisyon sa mga lugar na may winter, partikular sa Rovaniemi na i’Official Hometown of Santa Claus’ daw, ang paglikha ng decorative Christmas villages sa ilalim ng malaking Christmas tree, mula pa noong 18th century. Isa itong holiday tradition na sinimulan ng Moravian church, isang Protestant denomination na unang naninirahan sa Salem, North Carolina at Bethlehem, Pennsylvania.
Dati ay mga mini villages lamang ang kanilang ginagawa na may mga maliliit na bahay, gusali, figurines ng tao at hayop, mga dekorasyon at iba pang elements ng holiday season upang makalikha ng warm and festive atmosphere. Minsan, gumagawa rin sila ng miniature Christmas villages sa sarili nilang bahay — kung may sapat na space.
Siguro, dahil maganda naman at naging popular na popular, pinalaki ito — tunay na bahay na at buildings, tunay na tao na rin at hayop, plus festive decorations para sa Christmas season — ngunit permanente na ito at isinasara na lamang kapag tapos na ang winter.
Sa Pilipinas na wala namang snow kahit pa sa Baguio City, lumikha sila ng Christmas village tradition na dinarayo ng marami. May lugar para sa elaborate garlands, flameless candles, at feathery plumes na nasa malalaking Christmas trees.
Sinabi na nga nating Rovaniemi ang hometown ni Santa Claus kaya ito ang ginaya ng Christmas Village Baguio — at syempre, si Santa Claus ang Mayor dito.
Kung gaano kaganda ang Christmas Village sa Finnish Lapland, Rovaniemi — tinatawag din nila itong Santa Claus Village amusement park — hindi pahuhuli ang Christmas Village Baguio na may totoong Santa Claus na sumasalubong sa guests.
Well, baka isang araw ay magkaroon din ng Christmas Village sa San Fernando City, Pampanga. Ito kasi ang ‘Christmas Capital of the Philippines’. Meron na rin kasi sa Cavite, hindi ko pa lang nabibisita.
JAYZL NEBRE