CHUA PBAPC EXECUTIVE OF THE YEAR

Alfrancis Chua

GAGAWARAN ang nasa likod ng isa pang title romp ng Barangay Ginebra sa PBA Governors’ Cup. ng isa sa major honors sa 2022 PBA Press Corps Awards Night bukas sa Novotel Manila Araneta Center.

Si team governor Alfrancis Chua ang tatanggap ng Danny Floro Executive of the Year kasunod ng kanyang nagawa sa Kings sa katatapos na Season 46, kung saan namayani ang franchise sa import-laden conference sa ika-4 na pagkakataon sa nakalipas na limang taon.

Ito ang ikalawang pagkakataon na tatanggapin ng Ginebra executive ang award na ipinangalan kay late Crispa Redmanizers team manager at owner Danny Floro.

Unang nakamit ni Chua, na siya ring sports director ng San Miguel Corporation, ang parangal noong 2018.

Sasamahan niya ngayon ang mga tulad nina SMC president and chief executive officer Ramon S. Ang, First Pacific Company Ltd managing director and chief executive officer Manny V. Pangilinan, current PBA chairman Ricky Vargas, Alaska team owner Wilfred Uytengsu, late commissioner Jun Bernardino, at dating RFM franchise team manager Elmer Yanga bilang two-time recipients ng award na ipinagkakaloob ng mga regular na nagko-cover sa PBA beat.

Sanhi ng injuries nina key players Joe Devance, Aljon Mariano, Jared Dillinger, at kalaunan ay ni Japeth Aguilar, ang title retention bid ng Kings ay nanganb nang tumapos sila sa no. 6 papasok sa playoffs ng season-ending meet.

Subalit sa likod nina Best Import Justin Brownlee at emerging star at Best Player of the Conference Scottie Thompson, nalusutan ng Kings ang twice-to-beat at ang reigning Philippine Cup champion TNT sa quarterfinals, bago tinalo ang NLEX sa semis upang makausad sa best-of-seven title series.

Itinuturing na dehado kontra Meralco Bolts, muling nalusutan ng Kings ang matinding hamon at ginapi ang kanilang long-time nemesis, 4-2, upang mapanatili ang dominasyon sa conference na una nilang napagwagian noong 2016.

Sasamahan ni Chua sa honor roll ng season sina Arwind Santos (Defensive Player of the Year), June Mar Fajardo (Comeback Player of the Year), Allein Maliksi (Quality Minutes), Mikey Williams (Scoring Champion), Joshua Munzon, Jamie Malonzo, Calvin Oftana, Williams, atvSanti Santillan (All-Rookie Team), ang quartet nina Williams, Ian Sangalang, Robert Bolick, at Matthew Wright (Order of Merit) at ang mga koponan ng San Miguel at NorthPort (Game of the Season).

Hindi pa inaanunsiyo ang Virgilio ‘Baby’ Dalupan Coach of the Year na pinaglalabanan nina champion mentors Chot Reyes ng TNT at Tim Cone ng Barangay Ginebra.