CIA BINUKSAN SA INTERNATIONAL FLIGHT

UPANG maiwasan ang hawahan ng COVID-19 virus sa siksikan ng mga pasahero sa Ninoy Aquino International Airport, binuksan ng pamahalaan sa publiko noong araw ng Sabado ang world-class Passenger Terminal Building ng Clark International Airport (CIA), sa Angeles Pampanga.

Ayon sa impormasyon, ang CIA ay ginawa ng pamahalaan na isang premier gateway sa Northern Luzon, bilang alternatibo sa Ninoy Aquino International Airport upang maiwasan ang decongestion o siksikan ng mga pasahero sa habang ang Filipinas ay nasa ilalim ng pandemya.

Ayon sa pamunuan ng Department of Transportation (DOTr), ang Clark ay itinuturing na isa sa pinakamalaking airport sa bansa na katang maka-accomodete ng tinatayang aabot sa walong milyon pasahero.

Ginawa ito bilang isang premier gateway ng pamahalaan sa hilagang Luzon upang maka-accommodate ng libo-libong pasahero na mangagaling sa ibat-ibang bansa.

Dagdag pa ng ilang opisyal ng pamahalaan, ang pagbubukas ng mga international flight sa Clark ay isang palatandaan na dahan-dahang bumabalik sa normal ang ekonomiya at turismo ng bansa.

Kasabay nito ay sinisikap ng pamahalaan ang patuloy na mass vaccination sa ibat-ibang lugar sa buong bansa, bilang pagtugon sa domestic at mga international flight. FROI MORALLOS

6 thoughts on “CIA BINUKSAN SA INTERNATIONAL FLIGHT”

  1. 505850 655759Do you mind if I quote a couple of your posts as long as I give credit and sources back to your web site? My blog is inside the exact identical area of interest as yours and my visitors would truly benefit from some with the information you offer here. Please let me know if this ok with you. Thanks! 992800

Comments are closed.