CIGNAL, PETROGAZZ ‘IN’, CREAMLINE ‘OUT’ SA FINALS

Creamline

Standings W L
*Cignal 2 1
*PetroGazz 2 1
Creamline 2 1
Chery Tiggo 0 3
*finalist

Mga laro bukas:
(Smart Araneta Coliseum)
2:30 p.m. – 3rd Place Match
5:30 p.m. – Finals, Game 1

PINATAOB ng Creamline ang Chery Tiggo sa five-set marathon ngunit bigong makapasok sa finals ng 2022 Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Conference kagabi sa PhilSports Arena.

Nakabawi ang Cool Smashers mula sa masamang performance sa third set upang maitakas ang 25-16, 20-25, 14-25, 25-11, 15-9 panalo.

Gayunman ay hindi sila nakapasok sa best-of-3 championship series dahil sa inferior set quotient laban sa Cignal HD at Petro Gazz.

Maghaharap ang HD Spikers at Angels sa championship habang magsasagupa ang Cool Smashers at Crossovers para sa bronze sa Linggo sa Araneta Coliseum.

Nauna rito ay dinispatsa ng PetroGazz ang Cignal sa apat na sets, 25-14, 25-21, 25-27, 25-19.

Kumana si Lindsey Vander Weide ng 30 kills upang pangunahan ang Angels. Nakalikom si MJ Phillips ng conference-best seven blocks – nahigitan ang 6 blocks ni Kim Kianna Dy sa five-set win ng F2 Logistics sa Creamline sa eliminations – upang tumapos na may 13 points, habang nag-ambag si Aiza Maizo-Pontillas ng 10 kills para sa PetroGazz.

Nanguna si Tai Bierra para sa HD Spikers na may 15 points, nagtala si Roselyn Doria ng 3 blocks para sa seven-point outing, habang nagposte si Ces Molina ng 7 points.