Mula sa kaliwa ay sina Sienna Olaso, Andrew Ryan, Stephanie Mignot, at Miguel Vea. Kuha ni RUDY ESPERAS
MAKIKIPAGPARTNER ang Cignal TV sa government station PTV4 sa pag-eere ng mga laro ng Gilas Pilipinas sa darating na 2023 FIBA World Cup.
Layon nitong mabigyan ng pagkakataon ang basketball-crazy Filipinos na mapanood ang paglalaro ng national team laban sa ilan sa pinakamahuhusay na koponan sa buong mundo.
“Meron kaming niluluto ng kaunti for Gilas Pilipnas games to be actually seen on PTV4. We were graciously allowed by our partners from FIBA to air it para mas marami ang makakapanood,” wika ni First Vice President Head of Channels and Content-Head of Sports of Cignal TV Sienna Olaso sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum kahapon sa conference hall ng Rizal Memorial Sports Complex.
“We extended our offer to PTV 4 to actually carry it either live or delayed. We just want to make sure that every Filipino will have a chance to watch it.”
Subalit ang mga laro ng Gilas matches at ang lahat ng laro sa World Cup, kabilang ang mga idinadaos sa Okinawa, Japan at Jakarta, Indonesia ay ipalalabas via free-to-air channels TV5 at One Sports, cable channels One Sports+ at PBA Rush, at satellite pay-per-view. Samantala, ang streaming options ay kinabibilangan ng Pilipinas Live, Cignal Play, at Smart Livestream.
Sisimulan ng Gilas ang kanilang kampanya laban kay Karl-Anthony Towns at sa Dominican Republic sa opening day sa Aug. 25 sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.
Ang Angola at si Bruno Fernando ang susunod na makakalaban ng Gilas sa Linggo (Aug. 27) at ang world no. 10 Italy sa Martes (Aug 29) para sa kanilang huling laro sa Group A.
Kung papalarin, ang Gilas ay maaaring umabante sa second round ng group phase o malalagay sa classification phase.
“Minimum of five (games) all the way to eight games. So, sana we can enter the next phase so we can have more games,” sabi ni Olaso sa session na itinataguyod ng San Miguel Corporation, Philippine Sports Commission, MILO, Philippine Olympic Committee, at ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).
Kasama ni Olaso sa Forum sina Head Business Development-Cignal TV Miguel Vea, Content Manager-Cignal TV Paulo Fernandez, MD FIBA Media Andrew Ryan, at COO FIBA Media Stephanie Mignot.
Sa 2019 World Cup ss China, nasa tatlong bilyong katao ang nanood sa quadrennial showcase, kabilang ang 55 milyong katao sa China sa isa sa mga laro ng Chinese national team.
“It’s very challenging to break that,” pag-aamin ni Ryan. “But I think no doubt we’re looking at very historical records in the host countries in particular. I think obviously we have incredible coverage with Cignal in the Philippines, in Japan, and in Indonesia. Cignal has been a wonderful partner the past few years and I think we couldn’t have asked for a better partner in the Philippines.”
Dagdag pa ng FIBA official na ang quadrennial showcase na hinohost sa unang pagkakataon ng tatlong bansa ay ipalalabas sa 190 territories sa buong mundo.
Ikinakasa na rin ang watch parties sa iba’t ibang Local Government Units (LGUs) kung saan ipalalabas ang mga laro ng Gilas Pilipinas.
“We just want to make sure that every Filipino will have a chance to watch it,” dagdag ni Olaso.
-CLYDE MARIANO