STAR-STUDDED ang ika-15 edisyon ng Cinemalaya Film Festival na gaganapin mula Agosto 2 hanggang 11 sa Cultural Center of the Philippines at sa mga piling Ayala Mall at Vista Mall cinemas sa buong bansa.
Tampok sa full-length film category ang mga pelikulang “Pandanggo sa Hukay” ni Sheryl Rose Andes, “Belle Douleur” ni Joji Alonso, “Tabon” ni Xian Lim, “Ani” nina Kim Zuniga at Sandro del Rosario, “Children of the River” ni Maricel Cariaga, “Edward” ni Thop Nazareno, “Fuccbois” ni Eduardo Roy, Jr., “Iska” ni Theodore Boborol, “John Denver Trending” ni Arden Rod Condez at “Malamaya” nina Danica Sta. Lucia at Leilani Chavez.
Ang “Pandanggo sa Hukay” na kuwento ng isang kumadrona naging biktima na hostage ay pinagbibidahan ni Iza Calzado. Ang “Ani” ay isang science-fiction tungkol sa paghahanap ng grupo ng kabataan sa lunas sa sakit ng kanilang lolo. Tampok dito sina Ricky Davao, Zyren Dela Cruz, Miguel Valdes, Anna Luna, Marc Felix, Rolando Inocencio at marami pang iba.
Ang “Tabon” ay isang crime mystery na naganap sa isang bayan at masasabing first lead role ni Christopher Roxas. Ang “Edward” ay pumapaksa sa isang binatang umiikot ang mundo sa hospital na naging playground niya habang nagbabantay sa kanyang tatay na maysakit. Bida rito sina Louise Abuel at Elijah Canlas.
Kapwa tatalakay sa May-December romance ang “Belle Douleur” (Beautiful Pain) na tampok sina Mylene Dizon at Kit Thompson at “Malamaya” na pinagtatambalan nina Sunshine Cruz at Enzo Pineda.
First lead role naman ng character actress na si Ruby Ruiz ang “Iska” tungkol sa isang mapagmahal na lolang may autistic na apo.
Balik naman sa Cinemalaya ang 2017 best actor na si Noel Comia, Jr. ng “Kiko Boksingero” sa “Children of the River” tungkol sa batang iniwan ng kanilang mga amang sundalo habang nasa giyera. Kasama rin dito sina Junyka Santarin, Dave Justine Francis at Ricky Oriarte.
Ang newcomer na si Jansen Magpusao at award-winning actress na si Meryl Soriano ang mga bida sa “John Denver Trending” tungkol sa isang estudyante nakunan ng video na binubugbog ang kanyang kaklase na nagviral sa social media.
Daring naman ang mga hunk actor na sina Kokoy de Santos at Royce Cabrera sa “Fuccbois” tungkol sa dalawang lalakeng desperadong maging artista.
Sa short film category naman ay magtutunggali ang Huwag Mo ‘Kong Kausapin ni Josef Dielle Gacutan, “Disconnection Notice” ni Glenn Lowell Averia, “Gatilyo” ni Harold Lance Pialda, “Heist School” ni Julius Renomeron, Jr., Hele ng Maharlika” ni Norvin de los Santos,” Kontrolado ni Girly ang Buhay Niya” ni Gilb Baldoza, “Sa Among Agwat” ni Don Senoc, “Sa Gabing Tanging Liwanag ay Paniniwala” ni Francis Amir Guillermo, “Tembong” ni Shaira Advincula at “The Shoemaker” ni Sheron Dayoc.
Opening film ng 2019 Cinemalaya ang “Ang Hupa” ni Lav Diaz na pinagbibidahan nina Piolo Pascual at Shaina Magdayao at naging tampok sa Directors’ Fortnight ng Cannes ngayong taon.
Closing film naman ang “Mina Anud” na tampok sina Dennis Trillo at Matteo Guidicelli.
Comments are closed.