NANAWAGAN ang Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI), ang pinakamalaking business organization sa bansa na kumakatawan sa tinatayang 35,000 strong small, medium and large enterprises sa buong bansa, sa Kongreso na agad ipasa ang Corporate Income Tax and Incentives Rationalization Act (CITIRA) bill na naglalayong lumikha ng isang competitive business environment nang sa gayon ay makapantay ang tax system ng Filipinas sa mga kalapit na ekonomiya sa ASEAN.
Sinamahan ng PCCI ang iba pang organisasyon tulad ng Federation of Filipino- Chinese Chamber of Commerce and Industry Inc. (FFCCCII), UP School of Economics Alumni Association (UPSEAA), Organization of Socialized and Economic Housing Developers of the Philippines (OSHDP), Subdivision and Housing Development of the Philippines (SHDA), Management Association of the Philippines (MAP), Makati Business Club (MBC) at FINEX sa paghiling na ipasa na ang Senate Bill No. 1357 sa pagpapatuloy ng session ng Kongreso sa Mayo upang matuldukan ang ‘uncertainty’ sa pagnenegosyo.
Ayon kay PCCI President Benedicto V. Yujuico, ang Philippine tax rate ang pinakamataas ngayon sa ASEAN sa 30 percent, na naglagay sa bansa sa ‘disadvantage position’ laban sa ibang bansa na nakikipagkumpetensiya para sa foreign direct investments.
“We support the lowering of CIT from 30% to 20% and the modernization or rationalization of the country’s fiscal incentives regime that will ensure big and small businesses compete on a level playing field,” ani Yujucio.
Sinabi naman ni PCCI Industry Committee Chair Ferdinand Ferrer na makatutulong ang CITIRA upang ang Filipinas ay maging isang global manufacturing hub.
Idinagdag ni Ferrer na kapag naisabatas at epektibong naipatupad ay makaaakit ito ng mas maraming investors na mamuhunan sa bansa, na makatutulong sa maliliit na negosyo.
Nangako rin si Yujuico na makikipagtulungan ang PCCI sa key government agencies tulad ng Department of Finance (DOF), Department of Trade and Industry (DTI) at maging sa Bureau of Internal Revenue (BIR) upang masiguro ang maayos na pagpapatupad sa CITIRA.
“We will help clarify and develop implementing rules that will govern the new system.. Our community is as concerned about the potential impact of reforms to the fiscal health of the country as it is for the certainty that is a key pillar of a robust business environment,” ani Yujuico.
Comments are closed.