SINO man ang makikitang nagdudumi, naninira, bumababoy at nagba-vandalized sa bagong bihis na Jones Bridge ay maaari nang arestuhin ng kahit na sino sa pamamagitan ng citizens arrest.
Ito ang hiling ni Manila Mayor Francisco Isko Moreno Domagoso kasabay ng panawagan sa mamamayan na bantayan ang mga masasamang elemento na sisira sa pinagandang tulay at arestuhin ito sa pamamagitan ng ‘citizens arrest’.
‘Be vigilant. ‘Yung mga magdudumi dito, arestuhin ninyo, taumbayan. Hindi lang amin ito. Bilang pamahalaan, sa ating lahat ito… bilang Pilipino (sic), bilang Manilenyo. You own it. ‘Wag ninyong hayaan ang isang tolongges na babuyin ang mga bagay na pag-aari natin. May kaakibat na responsibilidad sa kalayaang ating tinatanggap,’ pagdiin ni Moreno.
Pinangunahan ni Moreno kasama sina Vice Mayor Honey Lacuna, city officials sa pangunguna secretary to the mayor Bernie Ang na full-termer third district City Councilor, third district Congressman Yul Servo at private donors ang pagpapailaw ng tulay na sinundad pa fireworks at pagbabalik ng orihinal na estatwa La Madre Filipina sa paanan ng tulay kung saan ito dating nakapuwesto noong 1938.
Ipinaliwanag ni Moreno na sakabila ng pagkakaroon pa ng maraming tulay sa Maynila, ang Jones Bridge ang kanilang tinutukan dahil mag-diriwang na ito ng ika-100 taong anibersaryo at gayundin upang gunitain ang papel nito sa pagdudugtong ng mga pamayanan ng mga Kastila at Tsino sa Intramuros at Binondo noong panahon ng Kastila.
Nanawagan din si Moreno sa mga kabataan na balikan ang kasaysayan upang makita ang kahalagahan nito at upang maramdaman ng pagkamakabayan.
“Sa mga kabataan na busy kakapanood ng Youtube, maganda din mag-google kayo dahil ang hindi marunong lumingon sa nakaraan ay di makararating sa paroroonan,” ayon kay Moreno.
Samantala, mahalaga ang pagkakabalik ng estatwa ng La Madre Filipina na nililok ni Juan Arellano sa orihinal nitong kinalalagyan dahil ito ang piping saksi sa malagim na Battle of Manila noong World War II. VERLIN RUIZ
Comments are closed.