CITRONELLA PANLABAN SA LAMOK

CITRONELLA

INIREKOMENDA ng Department of Agriculture (DA) ang pagtatanim ng citronella upang makatulong sa paglaban sa lumalalang kaso ng sakit na dengue.

Bunsod nito, aabot sa 30,000 na mga tangkay ng citronella ang ipinamahagi ng DA sa mga magsasaka ng Canaman, Camarines Sur.

Sinabi ni DA Acting Secretary William Dar na mabisang pangontra sa dengue ang citronella dahil sa ayaw ng mga lamok ang amoy nito.

Maari rin aniyang kumita ang mga magsasaka  dahil sa puwede itong gawing essential oil, sabon, pabango, spray, disinfectants, pintura at iba pa.   DWIZ882

Comments are closed.