CITY ADMIN NG PASAY IGINUPO NG COVID-19

INIHAYAG ng pamahalaang lungsod ng Pasay ang pagpanaw ng kanilang administrador na si Atty. Dennis Acorda kahapon ng umaga.

Nabatid na namatay si Acorda, 51-anyos makaraang mahawahan ng COVID-19.
Si Acorda ay nagsimulang magsilbi bilang Pasay City Administrator noon pang panahon ni dating Mayor at ngayon ay Congressman na si Antonino Calixto at nagtuloy-tuloy hanggang sa kasalukuyang administrasyon.

Nawalan ang lokal na pamahalaan ng patriot, namumuno, public servant at isang kaibigan para sa mga nakararami.

Si Acorda ay nagtapos sa UP Law Class 1998 at nagsimula ng kanyang career sa serbisyo publiko bilang legislative staff ng namayapang dating Senator Edgardo Angara (2001-2003).

Nagtrabaho rin si Acorda bilang City Administrator ng Malabon noong 2005-2008 at Legal Officer ng Pasay noong Hulyo, 2010 bago naging City Administrator ng lungsod noong Nobyembre, 2011 hanggang sa pumanaw ito.

Kilala si Acorda na masipag sa kanyang ginampanang tungkulin at isang self-regulator. MARIVIC FERNANDEZ

107 thoughts on “CITY ADMIN NG PASAY IGINUPO NG COVID-19”

  1. 348223 202208Hi! Someone in my Facebook group shared this site with us so I came to check it out. Im undoubtedly loving the data. Im book-marking and will probably be tweeting this to my followers! Outstanding weblog and wonderful style and style. 283273

  2. 710018 713628Have read a couple of with the articles on your internet site now, and I genuinely like your style of blogging. I added it to my favorites weblog internet site list and will probably be checking back soon. 233831

Comments are closed.