NAGBUBUNYI ang mga taga-Abra sa paghirang kay Chief Justice Lucas Bersamin na pinakamataas na mahistrado sa bansa.
Kaya naman sabik na ang mga ito sa itinakdang pag-uwi sa kanilang lalawigan na nag-udyok para paghandaan ang nasabing homecoming ng bagong chief justice.
Sinabi ng kapatid ni Bersamin na si dating Abra Governor Eustaquio “Takit” Bersamin, marami sa mga kakilala at supporter nila ang nagpaabot ng pagbati sa kanilang pamilya dahil sa pagkakapili sa kaniyang kapatid bilang punong mahistrado na kapalit ni retired CJ Teresita De Castro.
Aniya, nais ng mga tagasuporta nila na personal na ipaabot sa bagong punong mahistrado ang kanilang pagbati at kagalakan sa kaniyang tagumpay kaya inaasahan at inaabangan na nila ang kaniyang pag-uwi sa lalawigan kung saan ito lumaki.
Inaasahan din umano ng dating gobernador na ang kaniyang kapatid ang magsilbing “peacemaker” sa lalawigan upang matigil na ang mga nangyayaring karahasan lalo na kapag panahon ng eleksiyon.
PILIPINO Mirror Reportorial Team
Comments are closed.