NAGMISTULANG fiesta ang kapaligiran ng Korte Suprema kahapon (Agosto 28) sa pagsalubong sa bagong Chief Justice na si Teresita De Castro.
Bukod sa malaking tarpaulin na may larawan ni De Castro ang isinabit sa entrada ng Korte Suprema na nagpapaabot ng pagbati sa bagong pinuno ng Hudikatura, pinalibutan din ang paligid ng mga pula at puting lobo at inabutan ng bulaklak ng mga empleyado si De Castro.
Maagang dumating kahapon si De Castro upang pormal na manumpa sa kanyang tungkulin bilang chief justice. Kasunod nito, agad na sumabak sa trabaho si De Castro at pinangunahan ang en banc session.
Matapos ang en banc session, tumayong presiding officer si De Castro sa oral argument kahapon kaugnay sa kaso ng pagkalas ng Filipinas sa International Criminal Court (ICC).
Si De Castro ang itinuturing na unang babaeng chief justice sa bansa matapos ideklara si Maria Lourder Sereno na hindi kuwalipikado na hawakan ang posisyon bilang chief justice. TERESA CARLOS
Comments are closed.