IDARAOS na sa Biyernes, Oktubre 5 ang retirement ceremony ng Korte Suprema para kay Chief Justice Teresita Leonardo de Castro.
Sa nasabing seremonya, magkakaroon ng special en banc session at programa ang Supreme Court kung saan ilalatag ang mga naging kontribusyon ni de Castro bilang associate justice at chief justice ng Kataas-taasang Hukuman.
Nakatakdang magretiro si de Castro sa Oktubre 10.
Si de Castro pa ang mangangasiwa sa ikalawa at posibleng huling oral argument sa petisyon ng mga opposition senators laban sa pagkalas ng Fili-pinas sa International Criminal Court. TERESA TAVARES
Comments are closed.