CJ PEREZ SA SMB?

on the spot- pilipino mirror

DAHIL out si June Mar Fajardo sakaling magbukas ang PBA 45th season sa September o October ay walang magiging ka-partner si Terrence Romeo na papasahan nito sa ilalim. Knowing na sila ang tandem sa laro,  lalo na  pagdating sa crucial game. Nangangailangan ang SMB ng ipapalit kay June Mar. Tsika namin,  interesado ang Beermen na kunin  ang kalibre ni CJ Pe­rez. Pag-uusapan ang trade niyan, sino naman kaya ang ibibigay ng San Miguel kapalit ni Perez? Ngunit ang malaking katanungan diyan ay mag-sister team  ang Beermen at Columbian  Dyip. Hindi puwedeng magdirekta. Kakailanganin na may isang team na  mamagitan upang matuloy ang trade na pinaplano ng kampo ng SMB. Sino ang puwedeng ibigay ng naturang team? Handa nga ba silang ibigay sina Chris Ross at Alex Cabagnot kapalit ni CJ Perez? Saang team dadaan ang Beermen at Columbian Dyip.

Abangan natin ang trade tsika na ito.

o0o

Malaki ang tiwala ni coach Tim Cone kay Japeth Aguilar dahil ito ang papalit kay Greg Slaughter. Sabagay ay ito na ang kapalitan ni Slaughter sa loob ng court. Mas pinagkakatiwalaan ni coach Cone si Aguilar ngayon dahil nakita nito ang kahusa­yan ng tubong-Pampanga noong nakaraang taon kung saan napili itong Finals MVP noong masungkit  nila ang kampeonato sa Commissioner’s Cup laban sa Meralco Bolts. Ma­tindi pa rin ang lineup ng Brgy. Ginebra, nandiyan pa rin sina L. A Tenorio, Stanley Pringle, Scottie Thompson, Aljon Mariano, Marc Caguiao, Raymond Aguilar, at rookies nila. Pinagha­handaang mabuti ng Gin Kings ang All- Filipino dahil ito na lamang ang wala silang korona.

o0o

Hindi naman ako against sa PBA na huwag bigyan ng palugit ang mga puwede nang magpa-draft sa liga. Tulad na lamang ni Japan-bound Thirdy Ravena na kinakailangan na umanong  sumama sa drafting dahil kung hindi pa sasama si Ravena ngayong 2020 ay posibleng ma-ban na siya sa PBA. Ang tanong lang namin, wala bang karapatan ang isang player na ‘di muna tumuntong sa PBA lalo na’t mas gusto nitong mahasa pa ang kanyang laro sa ibang liga tulad na nais makapaglaro sa ibang bansa. Alam natin na kapag naglaro sa international league ay talaga namang huhusay ang laro nito. Parang walang freedom ang isang basketbolista na pagkatapos sa college at makapaglaro sa PBA D- League ay nawawala ang sariling desisyon dahil sa pagiging mahigpit ng professional league. Kapag puwede nang mag-PBA draft ay kailangang sumama na sa drafting.

Good luck sa mga player na kasama sa PBA draft ngayong taon.

o0o

PAHABOL : Happy birthday sa pamangkin kong si Kagawad Pam Mamala ng Brgy 134. 1st district Caloocan City.  More birthdays to come and good health.

Comments are closed.