CLAIM NG PH SA WPS PINALAKAS NG NILAGDAANG BATAS

Ganap nang batas ang Philippine Maritime Zones Act at ang Philippine Archipelagic Sea Lanes Act na naglalayong  mapalakas ang claim ng Pilipinas sa West Philippine Sea at iba pang may territorial disputes.

Nilagdaan  ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Republic Act No. 12064 at Republic Act No. 12065 sa isang seremonya sa Malakanyang.

Ang Philippine Ma­ri­time Zones Act ang magtatakda ng partikular na bahagi ng teritoryo ng Pilipinas, kasama na ang karagatang maitutu­ring na bahagi pa rin ng bansa.

Ang Philippine Archipelagic Sea Lanes Act naman ay naglalayong magkaroon ng sistema ng sea lanes o ruta sa mga dagat ng Pilipinas na maaaring daanan ng mga dayuhang sasak­yang pandagat.

Sa tulong nito ay mamo-monitor ang ga­law ng mga dayuhang sasakyang pandagat at panghimpapawid sa ba­ha­gi ng teritoryo at mas mapapalakas ang ating awtoridad na sila ay paalisin  kung maikokonsiderang banta sa bansa.

 Binigyang diin ng Pangulo  ang kahalagahan ng dalawang bagong batas na  nagtutugma  sa international laws.

Sabi pa ng Pangulo na, hakbang rin ito para maprotektahan ang maritime resources at ingatan ang kalikasan.