INARESTO ng pinagsanib na mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at NAIA Inter-Agency Task Force (CAIDTF), ang claimant ng 500 grams high grade marijuana sa isang warehouse sa Pasay City.
Nahuli si Kevin Dela Cruz sa isinagawang entrapment operation ng dalawang grupo makaraang tanggapin nito ang naturang parcela na naglalaman ng mga droga.
Ayon sa report, idineklarang mga 4Ms kids labs remote control detector robot kit, na tinatayang aabot sa P808,000 ang halaga, at ipinadala ng Toynk toys galing sa Markham, Canada.
Ngunit nang sumailalim ng 100% physical examination ng mga tauhan ng Customs Anti-Illegal Drug task force (CAIDTF) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) nadiskubre ang mga high grade marijuana sa loob ng parcels.
Kakaharapin ng suspek ang kasong kriminal o illegal drug importation kaugnay sa pagalabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 in relation to the Customs Modernization and Tariff Act. FROILAN MORALLOS
Comments are closed.