INARESTO ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang tauhan ng consignee habang kini-claim nito ang 6.33 kilograms illegal drugs sa loob ng Central Mail Exchange Center Pasay City kahapon.
Kinilala ang suspek na si Elvira Vicente, tauhan ng isang Vincent Castillo (consignee) na nakatira sa Quezon City.
Batay sa report, ang 20 pouches ng Cannabis infused Gummies at 49 piraso ng THC Vape na nagmula pa sa Vancouver,Canada.
Napag-alaman mula sa isinagawang eksaminasyon, ikinokonsidera ang mga ito na dangerous drug sa ilalim ng RA 9165 o kilala na Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang mga package ay idineklara bilang personal gifts at used clothings ngunit nadiskubre sa physical examination na illegal ang nasa loob ng package.
At lumalabas sa initial field tests na isinagawa ng Customs Anti-Illegal Drug Task Force (CAIDTF NAIA) na ang gummies at vape cartridges ay may laman na cannabinoid, isang chemical compound found in cannabis or also known as marijuana.
Ang nakumpiskang gummies at vape cartridges ay agad na isinumite sa mga tauhan ng PDEA sa chemical laboratory para sa gagawin quantitative at qualitative tests.
Ang inarestong claimant ay nakatakdang sampahan ng kaso na may kaugnayan sa Section 118 (Prohibited Importation) at Section 1401 (Unlawful Importation) of the Republic Act 10863, otherwise known as the Customs Modernization and Tariff Act (CMTA). FROILAN MORALLOS